Panukalang Kamatayan sa mga Kurap: Hustisya o Panakot lang?
Noong Enero 22, 2025, naghain si Khymer Adan Olaso ng House Bill 11211, kilala bilang Death Penalty for Corruption Act.
Layunin nito na ipataw ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad laban sa mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang nagkasala ng:
- Korapsyon (graft) sa ilalim ng Republic Act 3019
- Malversation (pagnanakaw ng pondo ng bayan) ayon sa Revised Penal Code
- Plunder sa ilalim ng Republic Act 7080
Saklaw nito ang lahat ng opisyal mula Pangulo hanggang barangay, pati militar at pulis.
May Due Process ba?
Ayon sa panukala:
- Kailangan munang mahatulan at ma-affirm ng Supreme Court of the Philippines
- May automatic review
- Puwedeng ubusin ang lahat ng legal remedies bago isagawa ang parusa
Ibig sabihin, hindi basta-basta ipapatupad ang hatol. May proseso. Pero ang tanong: sapat ba ito para maiwasan ang abuso?
Ang Ugat ng Problema: Korapsyon
Hindi maikakaila:
- Ayon sa mga ulat, bilyon-bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan taon-taon dahil sa korapsyon
- Ang perang ito sana ay para sa:
- Ospital
- Edukasyon
- Imprastruktura
Kapag ninakaw ito, direkta nitong tinatamaan ang karaniwang Pilipino.
Matinding Parusa: Solusyon o Ilusyon?
Dito na papasok ang tunay na debate.
Mga Sumusuporta
Sinasabi nila:
- Matatakot ang mga kurap
- Magiging seryoso ang gobyerno laban sa katiwalian
- “Public office is a public trust” ay magkakaroon ng tunay na bigat
Mga Kumokontra
Ngunit may babala:
- Maaaring gamitin sa political vendetta
- Hindi garantiya na mawawala ang korapsyon
- Ang problema ay sistema, hindi lang parusa
Mas Malalim na Tanong
Kung papatayin mo ang kurap, pero bulok pa rin ang sistema:
- Sino ang susunod na kurap?
- Sino ang magbabantay sa mga magpapatupad ng batas?
Panawagan naming mga Nasyonalista
Kailangang gawin malinaw kung sino ang pwedeng mahatulan ng kamatayan,
nang hindi ito magamit sa pulitika.
Halimbawa:
Department of Agriculture,
Kailangan nila i maintain ang 90% self suffieciency natin sa pag produce ng Karneng Manok, Baboy at Baka.
Kung bumagsak ito ng 90% at nanaig ang Import, Bitayin na ito.
Sa ganitong Paraan:
Malinaw ang kanyang kapalpakan,
Walang mahabang Imbestigasyon
Hindi magagamit sa pulitika ang batas.