Habang umiinit ang tensyon sa Middle East, malinaw ang isang aral na dapat pag-isipan ng bawat Pilipino: kapag may base militar ng Amerika sa iyong bansa, hindi ka na neutral na lupa. Nagiging bahagi ka ng target.

Ano ang Nangyayari sa Middle East

Noong huling linggo ng Pebrero 2026, naglunsad ang Iran ng missile at drone strikes laban sa mga base militar ng United States sa iba’t ibang bansa sa Gulf region.

Ayon sa mga ulat ng Reuters at The Washington Post, tinamaan o tinangkang tamaan ang mga pasilidad sa:

  • Qatar
  • Bahrain
  • United Arab Emirates
  • Kuwait
  • Jordan
  • Iraq

May mga ulat ng pagsabog, pag-activate ng air defense systems, at pansamantalang pagsasara ng airspace. Ayon sa Fox News, kinondena ng mga bansang ito ang paglabag sa kanilang soberanya.

Ngunit ang mahalagang punto ay ito: hindi sila ang pangunahing target. Ang Amerika ang target. Nandoon lang ang Amerika sa kanilang lupa.

Isang Mapait na Realidad

Kapag may base militar ng Amerika sa iyong teritoryo, ikaw ay nagiging bahagi ng kanilang estratehikong mapa.

Sa mata ng kalaban ng Amerika, hindi mahalaga kung ikaw ay Qatar o Bahrain. Ang mahalaga ay may base doon ang US.

Ang intensyon ng pag-atake ay laban sa Amerika. Ngunit ang epekto ay tumatama sa bansang kinaroroonan ng base.

Ito ang dapat maintindihan ng bawat Pilipino.

Puwede Bang Mangyari Ito sa Pilipinas

Ang Pilipinas ay may umiiral na Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA kasama ang Estados Unidos.

Sa ilalim ng EDCA, may mga itinalagang lokasyon sa bansa kung saan maaaring mag-imbak ng kagamitan at mag-deploy ng tropa ang Amerika.

Sa oras na magkaroon ng malawakang digmaan sa pagitan ng Amerika at ibang kapangyarihan, hindi imposibleng ang mga lokasyong iyon ay ituring na lehitimong target ng kalaban ng US.

Tanungin natin ang sarili natin: kapag may missile na pumutok sa isang base sa Cagayan o Palawan, sino ang unang maaapektuhan? Amerikano ba o Pilipino?

Kunsakali, Tandaan: Hindi Tayo ang Target

Kapag inatake ang base ng US sa Pilipinas, masasabi nating inatake ang ating teritoryo.

Pero ang tunay na layunin ng kalaban ay hindi ang Pilipinas. Ang target ay ang presensya ng Amerika sa loob ng ating bansa.

Ganyan ang nangyari sa Gulf states. Hindi sila ang primary enemy. Nadamay lang sila ng tunggalian ng nag lalaban na bansa

Obligasyon at Interes ng Bayan

May Mutual Defense Treaty tayo sa Amerika. May obligasyon.

Ngunit ang obligasyon ay hindi dapat literal.

Ang unang tungkulin ng anumang pamahalaan ay protektahan ang sariling mamamayan. Hindi ang reputasyon ng isang alyado.

Kung lalawak ang digmaan, kailangan nating timbangin:

  • Ano ang kapalit ng pagiging forward base ng Amerika
  • Ano ang risk sa ating mga siyudad at komunidad
  • Ano ang magiging epekto sa ekonomiya, turismo, at seguridad

Ang pagiging kaalyado ay hindi nangangahulugang isusuko ang soberanong pagdedesisyon.

Panahon ng Malinaw na Pag-iisip

Hindi ito panawagan ng pagputol ng relasyon.

Ito ay panawagan ng masusing pagsusuri. Kung saatin mangyari, Wag mag panic.

Kapag kasama ka sa network ng isang superpower, kasama ka rin sa listahan ng mga posibleng target.

Ang tanong: Mananatili ba tayong kalmado at tapat sa ating bansa kung saatin into mangyari?

Sources: