ICC Hearing vs. Duterte: Pamamayagpag ng Banyagang Hustisya?
Habang nagaganap sa The Hague, Netherlands ang pre-trial hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte,
isang mapait na tanong ang bumabagabag sa isipan ng bawat makabayang Pilipino:
Sino ang nagbigay sa dayuhang korte ng karapatang husgahan ang isang halal na pinuno ng sambayanang Pilipino?
Panahon at Konteksto ng Pagdinig
Mula Pebrero 23–27, 2026, inilalaan ng International Criminal Court (ICC) ang apat na araw para sa confirmation of charges laban kay Duterte kaugnay ng kontrobersyal ngunit epektibong war on drugs noong siya ay pangulo mula 2016 hanggang 2022.
Sa likod ng prosesong ito ay may mas malalim na usapin: Soberanya ba o Pakikialam? Hustisya ba o Pulitika? (HRW, 2026)
Ang Mga Paratang: Boses ng Tagausig vs. Katotohanan sa Lupa
Sa unang araw pa lamang ng pagdinig, inilarawan ni Deputy Prosecutor Mame Niang ang umano’y “systematic and widespread attack” laban sa mga umano’y drug user at pusher. Tinukoy nila ang 49 insidente ng murder at attempted murder na kinasasangkutan ng 78 biktima, kabilang ang mga bata (Philstar, 2026).
Ngunit mahalagang balikan ang konteksto: Noong 2016, si Duterte ay nahalal dahil sa kanyang pangakong sugpuin ang droga. Ang sambayanan ay naniwala, hindi dahil uhaw sa dugo, kundi dahil sa pangangailangan ng katahimikan at proteksyon sa kanilang pamilya at komunidad.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA):
-
Kabuuang 319,929 suspek ang naaresto sa 221,657 operasyon mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2021
-
303,154 indibidwal ang nahuli sa ilegal na droga mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2021
-
22,585 barangay ang naideklarang drug-cleared mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2021
-
23,686 barangay ang drug-cleared hanggang Agosto 2021 (PDEA Annual Report, 2021)
Samantalang kinakatawan ng prosekusyon ang 497 biktima sa pamamagitan ng legal counsel na si Joel Butuyan, na tumawag sa ICC bilang kanilang “last boat” para sa hustisya (GMA News, 2026).
Ang Depensa: Pagtupad sa Mandato
Hindi nagpahuli ang kampo ni Duterte. Ayon sa lead counsel na si Nicholas Kaufman, ang mga paratang ay “grievously misplaced” at “politically motivated”. Iginiit niya na si Duterte ay inoffensively fulfilling his presidential duty para protektahan ang bansa (GMA News, 2026).
Hindi siya dumalo sa pagdinig, ipinaliwanag niya na siya ay matanda, pagod, at mahina—hindi pagsuko kundi pagpapakita ng pagtitiwala sa kanyang legal na karapatan.
Pulitikal na Background: Pagkakaisa na Nasira
Noong 2022, nagkaisa ang UniTeam nina Marcos at Sara Duterte. Ngunit matapos ang tagumpay, may “acrimonious breakdown” sa alyansa ng dalawang pamilya (Reuters, 2026).
Ang Palasyo ay tumanggi sa alegasyon ng politikal na motibo, subalit malinaw ang timeline: ilang buwan matapos ang hidwaan, si Duterte ay nasa The Hague na.
Mahihina vs Malalakas na bansa
Bagama’t itinatag ang ICC para litisin ang genocide, war crimes, at crimes against humanity, karamihan ng target ay mula sa Africa at developing countries (Ousmane Coulibaly, 2026).
Samantala, sa mga malalakas na bansa tulad ng Israel at Russia, may mga arrest warrant din laban kina Benjamin Netanyahu at Vladimir Putin, ngunit ang kanilang gobyerno ay matatag at hindi isinusuko ang kanilang mga lider.
Ebidensya ng Tagumpay: Hindi Maaaring Itanggi
Sa kabila ng kontrobersya:
-
12,849 high-value targets ang naaresto
-
835 drug dens at 18 clandestine laboratories ang binasag
-
P74.30 bilyon halaga ng droga ang nasabat hanggang Nobyembre 2021 (PDEA Annual Report, 2021)
Bagama’t may casualties, milyon-milyong Pilipino ang nakaranas ng katahimikan sa kanilang komunidad.
Suporta ng Masa
Hindi matatawaran ang suporta ng sambayanang Pilipino. Daang-daang supporters ang nagtitipon sa labas ng Scheveningen Prison sa The Hague, nagwawagayway ng bandila at naglalatag ng pagkain para kay Duterte (Al Jazeera, 2026).
Mahigit 70% ng mga Pilipino ayon sa survey ang sumusuporta sa naging kampanya ni Duterte laban sa droga.
Panawagan sa Bawat Pilipino
Anong klaseng bansa ba ang gusto natin? Gaya ba ng mga Africans na isinusuko ang kanilang mga lider sa ICC?
O gaya ng malalakas na bansang tulad ng Russia at Israel, na kahit may warrant of arrest laban sa kanilang mga lider, hindi nila ito isinusuko?
Galawang mahina o galawang matikas? Mamili ka.
Sources: