Naka iwas ang Pilipinas mula sa $1-billion na defense loan mula sa Estados Unidos dahil sa PD 415, na naglilimita sa domestic loan processing at nagtakda ng $300-million na cap sa external defense loans (pinirmahan noong 1974).

Marami ang titingin dito bilang nawalang oportunidad, pero may ilan, yung mas maalam, na makakakita dito bilang blessing in disguise. Oo, naantala ang AFP Modernization Program. Pero bago tayo malungkot sa hindi natin nakuha, tanong: Bakit hindi tayo gumawa ng sariling atin?

Utang, Hindi Libre

Ang utang ng Pilipinas ay napakata‑taas at patuloy na tumataas. Noong katapusan ng 2025, umabot ito sa mahigit ₱17.7 trilyon,

Kung saan malaking bahagi ng pambansang budget ay nakalaan para sa pagbabayad ng interest, na umaabot halos sa ₱950 bilyon sa 2026 budget. Interest palang yan!

Ang pag utang ng mga kagamitang pandigma ay hindi pinakamagandang aksyon sa pagpapalago ng ating ekonomiya

Utang na Armas, parang Steroids Lang

Ang hiram na armas at foreign-funded na sandata parang steroids. Sa simula, mukhang malakas ka: mas malaki, nakakatakot, at mukhang papalag. Pero hindi iyon ang tunay na lakas. Ang totoong lakas, hinuhubog ng panahon, sa disiplina, investment, at sariling development. Kapag huminto ang supply, humina rin ang power. Hindi kailangan ng shortcut ang Pilipinas. Kailangan natin ay matibay na pundasyon.

May Pera Tayo

Hindi mahirap ang Pilipinas na hindi kayang pondohan ang sarili nitong depensa. Kahit nga ninanakawan na, may pera parin. Ganon tayo ka yaman! Kung mag lalaan tayo ng pondo sa pag gawa ng sariling armas. 

May Talento ang Pinoy

Ang mga Pilipinong engineer, scientist, technician, at innovator ay world-class. Marami sa kanila ang nagtatagumpay sa ibang bansa dahil hindi pa sapat ang oportunidad dito sa Pilipinas. Isipin mo kung bibigyan natin sila ng misyon, isang pambansang misyon, para gumawa ng sariling armas at defense system, gawa sa Pilipinas.

Soberanya

Ang tamang daan: hindi umasa sa ibang bansa. Soberanya ang sagot. Sa halip na magmadaling humiram ng loans at armas, gawing wake-up call ito. 1974 pa napirmahan yang PD. 415 Magtayo tayo ng defense industries na nakabase sa talino ng Pilipino. Mag-invest sa research at development sa sariling bansa. Matatalino tayong mga Pinoy at maabilidad. Kaya natin kung gugustuhin lang.

Gumawa ng Sariling Armas

Ang pinakamalakas na militar sa mundo, hindi dahil nanghiram lang sila. Sila mismo ang gumagawa. Kaya rin ng Pilipinas. May pera tayo. May talento tayo. Panahon na para simulan ang paggawa ng sarili nating armas! Naka tipid na tayo, makakapag generate pa tayo ng trabaho para sa mga Pilipino!

#MadeInThePhilippines #PhilippineDefense #BuildDontBorrow #TrueStrength #AFPModernization